La Paz, Agusan del Sur, niyanig ng 5.7 magnitude na lindol
Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang La Paza, Agusan del Sur kaninang 10:38 ng umaga.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang lindol sa 6 kilometers Northeast ng La Paz.
May lalim ang lindol na 11 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity 4 sa Butuan City, Intensity 2 sa Cagayn de Oro City at Intensity 1 sa Kidapawan City.
Bukod dito, naitala rin ang Instrumental Intensity 1 sa Kidapawan City, Surigao City, Sarangani City at Bislig City
Bagaman walang pinsala, inaasahan ang aftershocks na idudulot ng naturang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.