Bilang ng mga napatay na drug suspects, pumalo na sa 1,011 ayon sa PNP
Umabot sa mahigit isang libong hinihinalang drug users at pushers ang napatay sa mga anti-illegal drug operations ng pulisya simula noong July 1, 2016.
Sa rekord ng Philippine National Police, nakasaad na kabuuang 1,011 drug personalities ang napatay habang halos 15,000 naman ang naaresto simula noong July 1 hanggang ngayong araw (September 04).
Ayon sa PNP, ang naturang bilang ay batay na rin sa datos na ibinigay ng kanilang Police Regional Offices.
Sa ilalim naman ng “Oplan Tokhang”, aabot sa mahigit anim na daang bahay ng drug personalities ang nabisita na ng PNP.
Ang Oplan Tokhang na ipinatupad ng PNP ay ang paraan kung saan kakatukin ang mga pulis ang bahay ng kilalang drug personalities para pasukuin at himukin na tigilan na ang paggamit o pagtutulak ng iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.