China, kaisa ng Pilipinas laban sa terorismo

By Isa Avendaño-Umali September 04, 2016 - 09:31 AM

China_flag_Kaisa na rin ng Pilipinas ang China sa pagsugpo sa patuloy na terorismo sa ating bansa.

Sa mensahe ni Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying, mahigpit ang pagkondena ng China sa anumang uri o porma ng terorismo.

Aniya, ipinaabot ng China ang taus-pusong pakikiramay sa mga biktima ng pambobomba sa Davao City, na ikinamatay na labing apat na tao.

Sinabi ni Hua na nagulat ang Chinese side sa pag-atake, at nangyari pa ito sa mismong hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila nito, inihayag ni Hua na naniniwala ang China na sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Duterte ay makakamit ang kapayapaan at maisusulong ang stability sa bansa.

May tensyon pa rin sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa patuloy na agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

 

TAGS: Davao City blast, Davao City blast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.