Oil price rollback, asahan na sa susunod na mga araw

Oil PriceMagpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo anumang araw ngayong linggo.

Batay sa oil industry, tinatayang aabot sa 45 centavos hanggang 55 centavos ang pagbabawas sa kada litro ng presyo ng diesel.

Maglalaro naman sa 30 centavos hanggang 40 centavos ang price rollback sa kada ng kerosene.

Asahan naman ang walang magiging paggalaw ang presyo ng gasolina.

Ito ang kauna-unahang oil price rollback ngayong buwan ng Setyembre.

Ang oil price rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

 

Read more...