US, handang tumulong sa imbestigasyon sa pambobomba sa Davao City
Handang tumulong ang Estado Unidos sa pagtulong sa Duterte administration sa imbestigasyon sa naging pambobomba sa Davao City ayon sa US Embassy sa Maynila.
Sinabi ni Molly Koscina, tagapagsalita ng embahada ng US na handang magbigay ng tulong ang gobyerno ng Estados Unidos para mapanagot ang nasa likod ng pag-atake.
Aniya ang US at Pilipinas ay may 70 taon na malalim na bilateral cooperation sa maraming bagay kaya hindi magdadalwang isip ang US na magbigay ng ayuda sa bansa.
Nakiramay din ang gobyerno ng US sa pamilya at mga mahal sa buhay ng mga biktima.
Hindi naman magbibigay ng komento ang US sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod na pagsabog sa Davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.