Si Roxas ang pipiliin ng pangulo

July 25, 2015 - 03:14 PM

aquino-roxas-1005Naniniwala si Manila 5th District representative Amado Bagatsing na si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang i-eendorso ni Pangulong Benigno Aquino III at wala ng iba pa para sa eleksiyong pam-panguluhan sa 2016.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Bagatsing na hindi na dapat maghintay ang taumbayan dahil tiyak na si Roxas ma ang pipiliin ng pangulo. “Wala ka ng iintayin talagang si Mar Roxas na yun. Bukod sa walang bahid ay may pundasyon, may kakayahahan at saka talagang malinis,” pahayag ni Bagatsing.

Paliwanag pa ni bagatsing, ang dapat na papalit kay PNnoy ay iyong maliwanag na magpapatuloy ng kanyang pamumuno na nakasalig sa ‘tuwid na daan’.

Kailangan anyang makita ng publiko ang blueprint at roadmap ng tuwid na daan at ito ay dadagdagan na lang ng susunod kay Pangulong Aquino. “Dapat ay itutuloy na lang ng susunod sa pangulo ang naumpisahan nito na malinaw na tuwid na daan,” dagdag ng kongresista.

Una ng sinabi ni PNoy na malalaman ng publiko ang magiging pambato ng Liberal Party sa pagka-presidente sa susunod na halalan pagkatapos ng kanyang huling State of the Nation Address sa Lunes, ika-27 ng Hulyo./Len Montaño

TAGS: 2016 elections, PNoy, rep. amado bagatsing, 2016 elections, PNoy, rep. amado bagatsing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.