Improvised bomb, ginamit sa pambobomba sa Davao ayon kay PNP Chief Dela Rosa

bato-dela-rosa1-620x413Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa sa isang press conference sa Police Regional Office 11, na components ng improvised explosive device (IED) ang natagpuan sa mismong blast site matapos ang naging paggsusuri ng Special Investigative Task Group (SITG) na binuo para imbestigahan ang naging pagsabog sa Davao City.

Base sa mga intial report ay binuo mula sa isang mortar ammunition.

Kasalukuyang nakatutok ang Davao Police sa apat na itnuturing na persons of interest na kung saan ay dalawang lalaki at dalawang babae ang mga ito na pinaniniwalaang nasa likod ng pambobomba sa Roxas Avenue sa Davao City.

Tumangi si Dela Rosa na magbigay pa ng ibang detalye at hindi pa nila ilalabas sa publiko ang mga cartographic sketch ng mga suspek.

Nauna ng inako ng Abu Sayyaf Group ang naging pag-atake ngunit ayon sa mga otoridad inasahan na nila na ang pag-ako sa naging pambobomba ay bagay na inaasahan na nila sa grupo.

Patuloy pa rin na bineberipeka ng mga otoridad kung ang Abu Sayyaf Group nga ang nasa likod ng insidente dahil hindi nila tinatanggal ang anumang bagay na maaring makatulong sa isinasagawang imbestigasyon.

Kaugnay nito, naka full alert statud ang PNP at Armed Forces of the Philippines sa buong bansa.

Read more...