Bomb hoax sa Cagayan de Oro, nagdulot ng takot

By Rod Lagusad September 04, 2016 - 04:49 AM

Inquirer file photo

Nagdulot ng takot sa Cagayan De Oro ang isang naka-giftwrapped na kahon ng mga baso sa isang simbahan matapos akalaing ito ay may bomba.

Kaugnay nito, lalong umigting ang takot ng umupo ang isang bomb-sniffing dog sa tabi ng nasabing package na nagsasabi na maaring pampasabog ang laman nito.

Ayon sa bomb disposal team maaring nalito ang naturang aso dahil sa parang alchohol na kemikal sa kahon.

Gumamit ng water bomb ang pulisya at nadiskubre na mga inuming baso lang ang laman nito.

Kasunod ng naging pagsabog sa Davao City naka-heightened alert ang siyudad.

 

TAGS: Bomb-Sniffing Dog, Cagayan De Oro, davao blast, Bomb-Sniffing Dog, Cagayan De Oro, davao blast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.