Pambobomba sa Davao City, mariing kinondena ng mga Muslim leaders
Kinondena ng mga Muslim leaders ang naging pambobomba sa Davao City.
Sa press conference na inorganisa ng Mercy Islamic Foundation, isa sa pinakamalaking Muslim foundation, binigyang diin ng mga lider nito na labag sa turo ng Islam ang naging pambobomba.
Inako ng extremist group na Abu Sayyaf ang responisbilidad sa naging pag-atake na nagbunsod kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang buong bansa sa ilalim ng State of Lawlessness.
Kaugnay nito nasa 500 katao ang natipun-tipon para sa isang memorial sa mismong blast site na pinangunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.