Jennylyn Mercado, pahinga muna sa drama

By Rod Lagusad September 04, 2016 - 04:30 AM

Inquirer file photo

Nagsisilbing host ngayon si Jennylyn Mercado sa bagong celebrity singing competition na Superstar Duets sa GMA 7 na mapapanood tuwing gabi ng Sabado.

Inamin ni Mercado na hindi niya “forte” ang gang pagiging host kaya sumailalim siya sa mga hosting workshops bago pa nagsimula ang taping ng programa.

Ayon sa kay Mercado na malaki ang naging tulong sa kanya ni Bert De Leon, ang direktor ng programa, sa naging pag-aalalay nito sa kanyang trabaho.

Dagdag pa ni Mercado na pagkatapos ng unang araw ng taping ay kanya niyang na-enjoy ang pagiging host.

Aniya masayang makatrabaho ang lahat dahil bawat contestant ay nagpapakita ng ibat-ibang karakter o istilo.

Dahil sa isang singer din si Mercado, inaasahan din ito na magtatangahal sa Superstar Duets.

Ang mga kalahok sa naturang programa ay sina Joross Gamboa, Jerald Napoles, Pekto Nacua, Nar Cabico, Rita Daniela, Denise Barbacena, Divine Grace at Osang.

TAGS: GMA 7, Jennylyn Mercado, Superstar Duets, GMA 7, Jennylyn Mercado, Superstar Duets

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.