Quezon City government magtatayo ng clinic para sa mga transgenders

By Rod Lagusad September 04, 2016 - 04:40 AM

QC city hallInanunsyo ng Quezon City government ang plano nitong magtayo ng isang medical facility particular para sa mga transgender na residente dahil sa nakakaalarmang pagtaas na bilang ng mga kaso ng nagkakaroon ng HIV at AIDS.

Ayon kay City health officer Dr. Verdades Linga ang mga naturang mga clinic ay magsasagawa ng mga screening at testing para sa mga sexually transmitted infections, health checkups, social at psychological services at maging ang pagkakaroon ng life coaching at counseling para sa mga transgenders.

Kaugnay nito binigyang diin naman ni Dr. Rolly Cruz, HIV/AIDS program coordinator ng lungsod na ang mga transgender women o ang mga nagpalit ng kanilang sexual orientation mula sa pagiging lalaki papunta sa pagiging babae ang pangalawang pinakamalaking grupo na nagpapasuri kaugnay ng HIV  sa Quezon City kasunod lang ng mga MSMs (males who have sex with males) o mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

 

 

TAGS: AIDS, Clinic, HIV, quezon city, transgender, AIDS, Clinic, HIV, quezon city, transgender

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.