Dalawang hinihinalang drug personalities patay sa hot pursuit sa Olongapo City

Courtesy of Councilor Edic Piano

Patay ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos ang isang hot pursuit sa Olongapo City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Olongapo City Vice Mayor Jong Cortez, iniulat sa kanya ni Police Sr. Supt. Jerry Sumbad, Chief of Police ng Olongapo City Police Office (OCPO) na nakipagbarilan at nakipaghabulan sa mga otoridad ang mga drug suspects hanggang sa magpanggabot sa Olongapo Public Market.

Ayon kay Cortez na isang “Jack” ang sinasabing target ng nasabing impormasyon.

Sa kasalukuyan hindi pa nakikilala ng pulisya ang mga nasabing drug suspects.

Sakay ng isang Black Innova ang mga ito na may plakang YR 4270.

Dagdag pa ni Cortez kasalukuyang ginagamot sa James L. Gordon Memorial Hospital ang isang nasugatang pulis na si PO2 Omega ng tamaan ito sa kanyang pisngi.

Kaugnay nito, sinabi di Cortez na hindi naman life threatening ang tinamong sugat ni PO2 Omega.

Wala namang nadamay sa palitan ng putok ng mga pulis at ng mga naturang drug personalities.

Read more...