Naging madamdamin ang hearing ng Senate Committee on Education, Arts and Culture sa panukalang batas na kilalanin ang British School Manila na gawing Educational institution of international character na inihain nina senators Antonio Trillanes IV, Pia Cayetano at Loren Legarda.
Ito ay matapos mauwi ang hearing sa pagpapatiwakal ng estudyante ng BSM na si Liam Madamba nang akusahan ng kanyang guro na si Natalie Mann na nangopya o nag-plagiarise sa kanyang essay project.
Naging emosyonal si Gng. Trixie Madamba, ina ni Liam nang igiit na kulang sa compassion, stone walling at insensitive ang mga opisyal ng eskwelahan.
Matatandaang tumalon mula sa ikaanim na palapag sa car park building sa Makati City si Liam noong February 6 matapos hindi makayanan ang pambubully sa eskwelahan dahil umano sa kaso ng plagiarism.
Higit na nakadidismaya, ayon kay Gng. Trixie dahil pinayagan ng BSM na makalabas ng bansa ang gurong si Mann.
Maging si senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ay naiyak din sa naging kahihitnanan ng batang si Liam.
Kinukwestyun ni Marcos ang mga opisyal ng BSM kung ano ang ginawa ng mga ito dahilan para maitulak ang bata na magpakamatay.
Nakikisimpatya si Marcos sa pamilya Madamba lalo’t isa rin siyang produkto ng British School pati na ang kanyang dalawang anak. / Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.