Davao bombing mariing kinondena ni VP Robredo

Leni Robredo
Inquirer file photo

Mariing kinondena ni Vice President Leni Robredo ang naganap na pambobomba sa Davao City kagabi.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Robredo na dapat managot sa batas ang mga nasa likod ng naturang terror act.

Ayon sa pangalawang pangulo, walang puwang sa isang matinong lipunan ang mga ganitong uri ng terror act.

Nagpahatid rin siya ng pakikiramay sa mga namatay sa pagsabog ganun din sa halos ay pitumpung mga sugatan.

Hindi naman nagbigay ng komento si Robredo deklarasyon ng pangulo ng State of Lawlessness sa buong bansa.

Kasabay nito ay inatasan din ng pangulo ang militar na makipag-ugnayan sa Philippine National Police para sa paglalagay ng checkpoints sa ilang mga matataong lugar sa bansa.

Umapela naman ang Malacañang sa publiko na maging kalmado lang at makiisa sa isinasagawang paghihigpit ng pamahalaan.

Read more...