Prayer vigil idaraos sa mismong blast site sa Davao City mamayang hapon
Nagpa-abot ng pakikiramay si Presidential daughter at Davao City Mayor Sarah Duterte sa pamilya ng mga biktima ng pagsabog sa Davao City Night Market.
Sa isang statement, tiniyak ni Mayor Inday ang tulong para sa gastusin sa ospital ng mga nasugatan at pagpapalibing sa mga nasawi.
Nanawagan din ang alkalde sa mga Davaoeño na magkaisa at tulungan ang isa’t isa kasunod ng malagim na pangyayari.
“I would like to express my deepest condolences to the families of those who died last night, I would also like to reassure all of them, as well as the families of those who are injured that the City Government of Davao will assist in all their needs for hospitalization, burial, funeral and day to day expenses”, pahayag ni Duterte.
Umapela rin siya sa kanyang mga kababayan na maging mapagmatyag at umiwas muna sa mga matataong lugar habang ipinagpapatuloy ang imbestigasyon sa blast site.
Mamayang alas-kwatro ng hapon ay mag-aalay ng panalangin sa mismong pinangyarihan ng pagsabog ang mga lokal na opisyal ng Davao City.
Magiging bukas sa publiko ang nasabing pagtitipon mamayang hapon na gaganapin sa Roxas Ave.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.