Airports sa bansa inilagay na sa “heightened alert” makaraan ang Davao bombing

By Chona Yu September 03, 2016 - 09:38 AM

PNP-ASG
Inquirer file photo

Matapos ang pambobomba sa Davao City na ikinasawi ng labinglima katao, inilagay na sa heightened alert status ang seguridad sa lahat ng paliparan sa bansa.

Ayon kay SSupt. Mao Aplasca, pinuno ng Aviation Security Group ng Philippine National Police, ito ay para masigurong ligtas ang lahat ng mga pasahero.

Ipinaliwanag pa ni Aplasca na ipinatutupad ang heightened alert status simula alas dose kaninang hatinggabi sa mahigit walumpung paliparan sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Aplasca, maari pang itaas sa red alert status ang seguridad sa mga pailiparan kung kinakailangan.

Kaugnay nito, kanilang pinayuhan ang mga pasahero ng mga eroplano na magdagdag ng oras sa kanilang pagpunta sa mga paliparan dahil mas hihigpitan nila ang pagsusuri sa bagahe ng mga pasahero.

Katuwang ng Aviation Security Group ng PNP ang mga airport police sa pagbabantay ng mga paliparan sa bansa.

TAGS: ASG, Davao City, PNP, ASG, Davao City, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.