Death toll sa Davao blast umakyat na sa 15

By Den Macaranas September 03, 2016 - 08:45 AM

Davao blast5
Frank Villaroman/Davao Public Safety Command

Umabot na sa labinglima ang bilang ng mga namatay sa naganap na pambobomba sa isang night market place sa Davao City kagabi.

Pinakahuling namatay sa halos pitumpung mga sugatan ang isang 12-anyos na batang lalaki.

Hindi pa inilalabas ng pamahalaang lokal ng Davao City ang pangalan ng mga biktima habang nagpapatuloy ang kanilang gingawang imbestigasyon.

Kanina ay kumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga natanggap na banta ng pagpapasabog ang Davao City mula sa Abu Sayyaf Group bago ang naganap na atake.

Kasunod nito ang pagdedeklara ng State of Lawlessness sa buong bansa.

Wala pang inilalabas na pahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police kaugnay sa pag-ako ng Abu Sayyaf Group sa pag-atake.

Nasa heightened alert naman ang buong pwersa ng AFP at PNP lalo na sa mga pangunahing lungsod sa bansa partikular na sa Metro Manila.

TAGS: AFP, ASG, blast, Davao, PNP, AFP, ASG, blast, Davao, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.