Pambobomba sa Davao City inako na ng Abu Sayyaf Group

By Den Macaranas September 03, 2016 - 08:11 AM

davao blast3
Frank Villaroman/Davao Public Safety Command

Inako na ng grupong Abu Sayyaf ang pambobomba kagabi sa Davao City.

Sa kanyang inilabas na pahayag sinabi ni Abu Sayyaf spokesman Abu Rami na ang naganap na pag-atake sa Davao City ay bilang tugon sa ginawang paglusob sa kanila ng mga tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Sulu at Basilan.

Nanawagan din si Rami sa lahat ng mga mujahideen sa bansa na magsamasama kontra sa ginagawang pag-atake sa kanila ng mga tropa ng pamahalaan.

Nauna nang sinabi ng ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines na posibleng ang Abu Sayyaf Group nga ang nasa likod ng pag-atake base sa kanilang istilo sa pagpapasabog.

Kaninang umaga ay nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Lawlessness sa buong bansa dahil sa naganap na Davao blast.

Kasunod ng nasabing pahayag at sinabi ng mga tagapagsalita ng AFP at PNP na nagpakalat na sila ng dagdag na mga tauhan sa mga vital installation ng gobyerno at mga matataong lugar.

 

Davao blast4
Frank Villaroman/Davao Public Safety Command

TAGS: abu rami, Abu Sayyaf, Davao City, duterte, abu rami, Abu Sayyaf, Davao City, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.