AFP magdadagdag ng pwersa sa Davao City makaraan ang pagsabog ng bomba

By Den Macaranas September 03, 2016 - 07:47 AM

Davao blast
Inquirer file photo

Nakahanda ang dagdag na pwersa ng militar sakaling mangailangan ng mga dagdag na tauhan ang Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni AFP spokesman BGen. Restituto Padilla na katuwang nila ang Philippine National Police sa pag-alam kung anong grupo ang nasa likod ng pagpapasabog ng bomba sa Davao City kagabi.

Naka-alerto na rin ang kanilang buong pwersa makaraan ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Lawlessness dahil sa pangyayari.

Umakyat na sa labingapat ang patay samantalang mahiit naman sa pitumpung iba pa ang sugata sa naganap na pagsabog ng bomba sa Roxas street na kilala sa pagkakaroon ng night market sa lungsod.

Nauna nang sinabi ni Duterte na titiyakin niyang mananagot sa batas ang nasa likod ng nasabing pambobomba.

Naganap ang pagsabog pasado alas-diyes ng gabi habang kasagsagan ng pagdating ng mga tao sa night market.

Makalipas ang pagsabog ay kaagad na nagpatupad ng shutdown sa buong lungsod kasabay ang pagpapakalat ng checkpoints sa mga pangunahing lansangan ng Davao City. /Den

TAGS: AFP, Davao, duterte, Padilla, AFP, Davao, duterte, Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.