State of Lawlessness, idineklara ni Pangulong Duterte

By Erwin Aguilon September 03, 2016 - 06:10 AM

duterte-3Inilagay ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa State of Lawlessness ang buong bansa kasunod ng pagpapasabog sa isang night market sa Davao City.

Sa isang panayam kay Duterte sa Davao City, sinabi ng pangulo na nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng presensya ng pulis at militar sa lansangan.

Gayunman, nilinaw ni Duterte na hindi ito martial law at hindi rin sinususpinde ang writ of habeas corpus.
Sinabi ng pangulo na sa pamamagitan ng State of Lawlessness pinapahintulutan niya ang mga pulis at militar na magsagawa ng mga search.

Hinimok naman nito ang mga mamamayan na maging maingat at kalmado sa kabila ng insidente.

Dahil anya sa limitadong pulis at militar ng bansa hinikayat din nito ang publiko na maging mapagmatyag.

“Government is here with you, as much as humanly possible. We will protect everybody,” ayon kay Duterte.

Kaugnay nito, nagpapatupad naman ng lockdown sa Davao City.

Samantala, hindi naman apektado ang byahe ng pangulo sa Laos para sa Association of Southeast Asean Nation Summit ngayong linggo.

Umabot na sa labing-apat ang nasawi sa pagpapasabog sa isang night market sa Roxas Avenue, Davao City habang animnapu naman ang nasugatan.

TAGS: davao blast, state of lawlessness, davao blast, state of lawlessness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.