Lalaki patay sa pamamaril sa Pasay City

By Jong Manlapaz September 03, 2016 - 05:29 AM

pasayPatay ang isang lalaki matapos na pagba-barilin sa harap ng kaniyang mga kainuman sa Electrical road, brgy 191 zone, Pasay City.

Kinilala ng Pasay police ang biktima na si John Saison, 40 yrs. old na nakatira sa isang barong-barong sa gilid ng ilog ng Electrical road.

Ayon sa kanyang asawa na si Maria Luz, nakikipag-inuman ang kaniyang asawa sa mga kaibigan nito ng lapitan ng isang lalaki na sakay ng motor at binaril siya ng harapan.

Naka-helmet umano ang gunman na mabilis tumakas sakay ng motorsiklo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kung may kinalaman sa droga ang insidente, o may nakaalitan ang biktima.

Dalawang beses umanong nakarinig ng putok ng baril ang mga testigo, habang isang basyo ng baril ang nakuha sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.