Suporta ng Malacañang sa panukalang ‘Dept. of Housing’, ikinatuwa ni VP Robredo

From Malacañang Photo Bureau)
From Malacañang Photo Bureau)

Welcome kay Vice President at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chief Leni Robredo ang pasya ng Duterte administration na lumikha ng isang Department of Housing and Urban Development (DHUD).

Kasunod ito ng pahayag ni Budget Sec. Benjamin Diokno tungkol sa desisyon ng gabinete na paglikha ng nasabing kagawaran kapalit ng HUDCC.

Ayon kay Robredo, ang nasabing pasya ay isang hakbang tungo sa tamang direksyon dahil mas magiging epektibo ang pagpapatupad ng mga housing program ng pamahalaan.

Una nang inereklamo ni Robredo ang limitasyon ng kanyang tanggapan na walang mandato na magatupad ng mga programa.

Sa ilalim aniya ng kasalukuyang set-up, lahat ng kanilang programa ay kailangang pa nilang idaan sa Office of the President na siya namang lilikha ng executive order para dito.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang DHUD ay nakatakda nilang tatalakayin sa susunod na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting ngayong Setyembre.

Read more...