Chinese ambassador kokomprontahin ni Duterte sa ASEAN summit
Kokomprontahin ng Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa Association of Southeast Asian Nation summit sa laos.
Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon ng Davao International Container Terminal sa Brgy. San Pedro, Panabo City, Davao Del Norte, ito ay para malaman kung patuloy ang pagdadagdag ng kontrsuksyon ng China ng mga imprastraktura sa Bajo de Masinloc na sakop na ng Pilipinas.
Ayon sa pangulo, nakumpirma niya sa intelligence report noong isang gabi na may barge na naman ng China ang dumuong sa teritoryo ng Pilipinas.
Hinala ng pangulo, kargado ito ng materyales at gagamitin sa pagpapagawa ng mga artificial na isla.
Samantala, hindi matiyak ni dela vega kung magkakaroon ng bilateral talk ang Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Paliwanag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Helen Dela Vega, hindi naman dumadalo ang Chinese President sa mga ganitong pagtitipon, bagkus ay kaniya lamang ipinadadala si Premiere Li Kequiang.
Wala rin aniyang ginawang hakbang ang Pilipinas maging ang China para magkausap ang pangulo at ang chinese premiere.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.