Malaysia nakapagtala na ng unang kaso ng Zika

zika virus2Kinumpirma ng bansang Malaysia noong nakaraang Huwebes ang kanilang unang kaso ng Zika virus, matapos mag-positibo ang isang 58-anyos na babae.

Nagtungo umano ang pasyente sa Singapore at namalagit doon ng tatlong araw noong August 19. Sa ngayon ay patuloy na nadaragdagan ang mga kaso ng Zika virus sa Singapore.

Ayon kay Malaysia’s health minister Subramaniam Sathasivam, nakaranas ang pasyente ng pamamantal sa kanyang katawan na may kasamang lagnat, makalipas ang halos isang linggo pagkabalik nito galing Singapore.

Nagpositibo rin umano ang anak nito sa Zika virus, pero nilinaw ni Subramaniam na ang anak ng pasyente ay nasa Singapore pa rin dahil doon ito nagtatrabaho.

Samantala, tiniyak rin ni Subramaniam na nagsasagawa na sila ng vector control malapit sa tahanan ng pasyente upang agad na mapigilan ang posibilidad ng pagkalat ng sakit sa komunidad.

Read more...