Full alert status, idineklara na sa buong Metro Manila – NCRPO

By Jong Manlapaz, Kabie Aenlle September 03, 2016 - 05:48 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Nagdelara na ng full alert status si National Capital Region Police Office Chief Supt. Oscar Albayalde sa buong Metro Manila, kasunod ng naganap na pagpapa-sabog sa Davao City.

Inatasan na din ni Albayalde ang lahat ng district directors at Regional Public Safety Battalion (RPSB) na magsagawa ng accounting sa lahat ng mga personnel nito at maglagay ng mga pulis sa mga vital installations tulad ng mga mall at sa mga matataong lugar.

Mas pinaigting na rin niya ang police visibility sa mga pampublikong lugar at mga entry/exit points sa Metro Manila tulad ng mga pantalan.

Pinaglagay na rin niya ang mga pulis ng mga 24-hour random checkpoints sa mga nasasakupan nilang lugar.

Samantala, isinailalim na rin ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa heightened alert ang buong lungsod at nagpakalat na rin ng mga pulisya sa iba’t ibang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.