Mandatory drug test sa mga estudyante sa kolehiyo, gustong isulong ng CHED

By Dona Dominguez-Cargullo September 02, 2016 - 03:30 PM

chedNais ng Commission on Higher Education (CHED) na gawing requirement para sa mga incoming college students ang pagsailalim sa drug test.

Ayon kay CHED, executive director Julity Vitriolo, ang plano ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan kontra sa paglaganap ng ilegal na droga.

Sinabi ni Vitriolo na mahalagang matiyak na ang mga estudyante ay hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Aniya, sakaling matuloy ang plano, ang mga magpopositibong estudyante ay sasailalim sa rehabilitation bago ma-admit sa college.

Sa ngayon, ilang unibersidad ang napapatupad ng voluntary basis na drug testing sa mga mag-aaral.

Ayon kay STI Education Systems Holdings Inc., president Monico Jacob, ang STO ay limang taon nang nagpapatupad ng mandatory drug testing sa kanilang mga mag-aaral.

Sa record, mayroong 103,000 na estudyante ang STI ngayong academic year.

 

 

 

TAGS: mandatory drug test for college students, mandatory drug test for college students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.