Petsa ng paggunita ng Eid al-Adha, pumatak ng September 12
Inanunsyo na ng Saudi Arabia na sa September 12 gugunitain ang unang araw ng selebrayson para sa Eid Al-Adha.
Ito ay matapos matukoy na ang “Arafat Day” na climax ng taunang pilgrimage ng mga Muslim ay natapat ng September 11, araw ng Linggo.
Ang unang araw ng Eid Al-Adha ay ginugunita isang araw matapos ang “Arafat Day” kung saan, tinatapos ng mga Muslim pilgrims ang kanilang pilgrimage sa Mount Arafat.
Una nang inanunsyo ng International Astronomical Center (IAC) na September 12, araw ng Lunes, sa Indonesia, Malaysia, Brunei, Turkey at Japan.
Inaantabayanan naman ang pormal na anunsyon ng Malakanyang kung anong petsa idedeklara ang special non-working holiday para sa Eid Al-Adha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.