Bahagi ng EDSA-Taft, isasara ngayong weekend

Photo Courtesy of Rouelle Umali
Photo Courtesy of Rouelle Umali

Para bigyang-daan ang pagbuo sa mga bagong bagon ng Metro Rail Transit, isasara ang bahagi ng EDSA-Taft sa Sabado at Linggo.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), apat na MRT coaches ang target nilang i-assemble ngayong weekend sa Taft Avenue station.

Dahil dito, ang innermost lane ng EDSA-Taft southbound ay isasara sa mga motorista mula alas 8:00 ng gabi ng Sabado, September 3 hanggang alas 3:00 ng madaling araw ng Linggo, September 4.

Itutuloy ang pagsasara ng nasabing bahagi ng EDSA-Taft ala 1:00 ng hapon ng Linggo, September 4 hanggang alas 6:00 ng gabi.

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang nasabing ruta sa nabanggit na mga araw at oras upang hindi maabala.

 

 

Read more...