Mahigit 2 bilyong katao sa Asya at Africa, nanganganib sa Zika virus ayon sa pag-aaral

Zika virusMahigit dalawang bilyong katao mula sa Africa at Asya ang lantad sa banta ng Zika virus.

Ito ang lumitaw sa isinagawang pag-aaral ng mga siyentipiko sa isinulat nilang “The Lancet Infectious Diseases”.

Kasama sa research team ang mga mula sa London School of Hygiene and Tropical Medicine, Oxford University at University of Toronto, Canada.

Ayon sa isinagawang research, maituturing na pinakalantad sa Zika ang mga residente sa India, Indonesia at Nigeria.

Kabilang sa mga pinagbatayan ng pag-aaral ang bilang ng mga tao na bumiyahe sa Zika-affected areas sa South America, Africa at Asya.

Gayundin ang dami ng lamok na maaring mag-infect ng virus, at ang klima sa rehiyon.

Sa Asya, tinukoy sa pag-aaral na kabilang ang Pilipinas, Vietnam, Pakistan at Bangladesh sa mga bansa na maaring lantad o madaling tamaan ng Zika outbreak dahil sa limitadong health resources.

Sa ngayon, mayroong 65 bansa ang may existing na mga kaso ng Zika transmission.

 

 

Read more...