Duterte, hindi makikipagpulong kay UN Secretary General Ban Ki-moon sa Laos
Kinumpirma ng United Nations na humiling sila ng pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa magaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Laos sa susunod na linggo.
Pero hindi umano nagkaroon ng pagkakasundo sa oras ng pulong kaya malabo na itong mangyari.
Ayon kay Stephane Dujarric, tagapagsalita ni UN Secretary General Ban Ki-Moon, nag-request sila sa pamahalaan ng Pilipinas na magkaharap si Duterte at si Ban sa sidelines ng ASEAN summit.
Sinabi ni Dujarric na hindi umano nagkasundo sa oras ng pulong.
Isa pang opisyal ng UN ang nagsabi na ni-reject ang request nilang meeting dahil sa “scheduling incompatibility”.
Sa panig naman ng Malakanyang, sinabi Presidential spokesman Ernesto Abella na walang magaganap na pulong sa pagitan nina Duterte at Ban pero ang wala naman umano itong kaugnayan sa pagbatikos ng UN sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.