Bagyong Enteng, nakalabas na ng bansa; western section ng Northern Luzon, apektado ng Habagat
Nakalabas na ng bansa ang bagyong Enteng na may International Name na Namtheun.
Nasa severe tropical storm ang bagyo at may lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 130 kilometers kada oras nang ito ay lumabas ng bansa.
Samantala, ayon sa PAGASA, Southwest Monsoon o Habagat na lamang ang naka-aapekto sa western section ng Northern Luzon.
Inaasahang makapaghahatid ito ng hanggang katamtamang pag-ulan sa Ilocos, Apayao, at sa mga isla ng Batanes at Babuyan.
Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms ang mararanasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.