Pansamantalang ipahihinto muna ni Senador Leila De Lima ang kanyang imbestigasyon sa extra-judicial killings habang nasa labas ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Pangulong Duterte ay nakatakdang umalis patungong Laos sa susunod na Linggo upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.
Bibisita rin si Duterte sa bansang Indonesia at Brunei pagkatapos ng ASEAN meeting.
Ayon kay De Lima, ‘in the spirit of good faith’ kanyang sususpendihin muna ang pagdinig na nakatakda sana sa September 5.
Pahayag pa ni De Lima, hindi niya gagawin ang pinangangambahan ng ilang grupo ay ang mapahiya si Pangulong Duterte sa mga pagdinig habang dumadalo sa international meeting ng mga lider.
Wala namang itinakdang petsa si De Lima kung kailan nito ipagpapatuloy ang Senate hearing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.