Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang karagatang sakop ng New Zealand.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), tumama ang malakas na lindol sa 569 kilometro sa hilagang-silangang bahagi ng karagatan ng Wellington, New Zealand.
Naganap ang pagyanig sa lalim na 30 kilometro.
Dahil sa lakas, maraming mga residente sa bayan ng Auckland na daan-daang kilometro ang layo mula sa episentro ng lindol ang napabangon sa kanilang mahimbing na pagtulog.
Walang namang iniulat na nasaktan resulta ng pagyanig sa kasalukuyan.
Bagama’t may kalakasan, isang maliit na tsunami na may taas lamang na 21 centimeters ang namonitor ng USGS na naitala sa northern coast ng New Zealand.
Nasundan ang lindol ng malalakas din ngunit mas mahinang lindol kung ikukumpara sa naunang pagyanig.