Kinilala ni Iligan City police chief Supt. Roy Ga, ang nasawing biktima na si Ronald Fuentes na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Asawa ang biktima ng Bgy. Chairwoman na si Mayla Fuentes ng Bgy. Saray.
Nakikipag-inuman lamang aniya ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa Bgy. Saray nang biglang dumating ang mga armadong suspek na nakamaskara at pinagbabaril ang biktima.
Sa pagkamatay ng biktima, umaabot na sa 30 ang bilang ng mga nasasawi sa pamamgitan ng pamamaril sa lungsod ng Iligan simula noong Hulyo 1.
MOST READ
LATEST STORIES