Cedric Lee, nagpiyansa

July 24, 2015 - 04:59 PM

Cedric Lee via Marlon Ramos PDI edited
Kuha ni Marlon Ramos/PDI

Matapos na magpalabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan laban sa negosyanteng si Cedric Lee agad itong naghain ng P70,000 piyansa para sa pansamantala nitong paglaya.

Si Lee at si dating Mariveles Bataan Mayor Angel Peliglorio Jr., ay ipinaaresto ng Sandiganbayan 3rd division para sa kinakaharap nilang kasong graft at malversation kaugnay sa maanomalyang pagpapalabas ng P23 million na public funds na dapat ay nakalaan sa pagpapagawa ng public market.

Sinabi ni Sandiganbayan Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, batay sa dalawang magkahiwalay na resolutions, nakitaan ng batayan pa isulong ang kaso laban kila Lee at Peliglorio.

Inirekomenda rin ng korte na maglagak ng piyansa si Lee at Peliglorio ng ng P30,000 para sa kasong graft at P40,000 para sa malverstion.

Sa record ng kaso ng dalawa, inilabas ang P23.47 million bank loan proceeds para sa kumpanya ni Lee na Izumo Contactors Corp. noong March 27, 2005 kahit walang procedural safeguards, guarantee of performance at kahit na nakitaan ng paglabag sa audit rules.

Inaprubahan umano ni Peliglorio ang pagre-release ng pond okay Lee para sa pagpapatayo ng palengke na hindi naman naisakatuparan./ Jong Manlapaz, Len Montaño

TAGS: cedric lee, graft and malversation, cedric lee, graft and malversation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.