Sen. Lacson sa kawalan umano ng wire-tapping capability ng PNP: ‘Hindi totoo’

 

Inquirer file photo

Hindi naniniwala si Senator Panfilo  Lacson sa pagtanggi ng PNP na wala itong kakayahan na magsagawa ng wiretapping operations.

Katuwiran ni Lacson, noong siya ang hepe pa ng Pambansang Pulisya, noong 1999 ay mayroon na silang wiretapping equipment at ibinigay pa nito ang ‘Hello Garci’ scandal kung saan electronic transmission din ang pag-uusap nina dating Pangulong Gloria Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano noong 2004.

Kaya’t giit ni Lacson sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate committee on public order and dangerous drugs, hindi kapani-paniwalang taong 2016 na ay wala pa ring wiretapping capability ang PNP.

Ngunit sinabi ng senador na naiintindihan niya ang posisyon ng pnp at aniya kung siya man ang nasa posisyon ni PNP Chief Bato Dela Rosa ay tatanggi din siya.

Dininig ng komite ni Lacson ang panukala na maayendahan ang anti- wiretapping law para maisama ang iba pang krimen gaya ng drug transactions.

Nang tanungin naman ito kung naniniwala siya na naka wiretap ang cellphone ni Sen. Leila de Lima ang matipid na sagot ni Lacson ay “I dont know.”

Read more...