Hindi dapat na mag-alala ang mga dayuhan na magtungo sa Pilipinas kahit na marami ang napapatay bunsod ng pinaigting na kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga.
Sinabi ni Tourism Secretary Wanda Teo na ito ang kanyang sinabi sa mga ambassador na kabilang sa European Union nang mag-courtesy call sa kanya kamakailan.
Paliwanag ni Teo, wala namang dapat na ikabahala ang mga dayuhan kung hindi naman pumapasok ang mga ito sa mga ilegal na aktibidad.
Target aniya ng DOT na maka-akit ng anim na milyong turista ngayong taon.
Dagdag ni Teo, sa kasalukuyan, naabot na nila ang tatlong milyong turista sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.
MOST READ
LATEST STORIES