Pagpapaliban sa SK polls, ok sa DILG; pondo gamitin na lang sa drug rehab

By Isa Avendaño-Umali September 02, 2016 - 04:31 AM

 

Inquirer file photo

Pabor ang Department of the Interior and Local Government o DILG sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections at maging ang pagtatalaga ng officer-in-charge o OIC sa bawat barangay.

Sa briefing ng House appropriations panel para sa panukalang 2017 Budget ng DILG, PNP at iba pang attached agencies, sinabi ni Secretary Mike Sueno na kung tutuusin ay malaki ang gastos para sa halalang pambarangay at SK, at mas mainam kung gamitin ang pondo para sa drug rehabilitation.

Dagdag ni Sueno, delayed na ang pagpapatupad ng mga proyekto dahil sa nakalipas na may 2016 elections.

Kung matutuloy aniya ang halalan ay lalo pang magkakaroon ng delays sa mga proyekto.

Higit sa lahat, sinabi ng Kalihim na marami pang pera ang mga drug lord na maaaring ipang-pondo sa mga kakandidatong barangay chairman at kagawad.

Giit pa ni Sueno, mas mainam na malinis muna ng pambansang pulisya ang mga aktibidad kaugnay sa ilegal na droga.

Dahil dito, sa 2017 na lamang dapat aniya gawin ang eleksyon.

Pagdating naman sa pag-appoint ng OIC, sinabi ni Sueno na ito ang tamang paraan upang maalis na sa pwesto ang mga sabit sa illegal drugs.

Samantala, nang matanong naman ng ilang kongresista kung may mga barangay captain ba ang nasa drug list, kinumpirma ni Sueño na maraming dawit sa droga.

Gayunman, hindi pa raw napa-finalize ang drug list, pero ilalabas nila ito kapag natapos na.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.