Itutuloy na lang ng Commission on Election (Comelec) ang pagpaparehistro sa mga botante kung tuluyan nang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, mabibigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa nakakapag-parehistro dahil hindi na magiging ‘applicable’ ang probisyon ng Voter’s Registration Act of 1996 na nagbabawal na magdaos ng voters registration 120 araw bago ang isang regular na eleksyon at 90 araw bago ang isang espesyal na halalan.
Sa ngayon aniya, hindi pa sila makapagpalabas ng timeline para sa registration dahil naghihintay pa sila ng pinal na kapalaran ng Barangay at SK elections na dapat sana ay sa October 31.
Tiniyak naman ni Bautista na handa sila sakaling matuloy ang nasabing eleksyon pero kung hindi ay mabibigyan sila ng mas mahabang panahon para makapaghanda.