Sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na sa paglobo ng Coco Levy fund sa mahigit P75.3 bilyon malaking tulong ito kung mapapakinabangan ng may tatlong milyong magniniyog sa bansa.
Sa unang public hearing ng Senate committee on agriculture and food, sinabi ni Pangilinan na magagamit ang naturang pera para mapalago ang industriya ng niyog sa bansa at hindi lang sa copra.
Aniya, maari ng produkto sa niyog gaya ng virgin coconut oil, coco sugar at coco milk na madadagdag sa pagkakakitaan ng coconut farmers.
Dagdag pa nito, maari din itong magamit para ma-organisa ang watak- watak na grupo ng mga magniniyog sa bansa.
Ang coco levy fund ay ang buwis na nakolekta simula noong 1973 hanggang 1982 at lumubo na ito dahil sa interes.
MOST READ
LATEST STORIES