Ina na nagtapon ng sanggol sa basurahan sa Valenzuela nahuli na

By Alvin Barcelona September 01, 2016 - 08:21 PM

Baby jade
Photo: Valenzuela City gov’t

Matapos ang anim na araw na paghananap, nasa kustodiya na ng pamahalaan ng Valenzuela ang nanay ni Baby Jade, ang sanggol na inabandona sa lungsod noong nakaraang linggo.

Natunton ang nasabing hindi na pinangalanang ina ng Task Force Jade na binubuo ng Station Investigation Unit (SIU), Women and Children’s Protection Desk (WCPD), Station Patrol Operative Section (SPOS) at Police Community Precinct (PCP) 3 sa tulong ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kahapon sa hindi binanggit na lugar.

Ang hindi pa kinilalang babae ay kasalukuyang nasa isang isolated room sa Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) sa Barangay Dalandanan at sumasailalim sa medical attention.

Ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian , ang nanay ni Baby Jade ay nakatakdang sampahan ng kaso sa City Prosecutor’s Office, bukas September 2 sa salang frustrated infanticide.

Si “Baby Jade” ang bagong silang na sanggol na natagpuang buhay na nakabalot ng plastic bag sa loob ng isang basurahan sa Jade Garden Townhomes na isang exclusive gated community sa Don Pedro, Barangay Marulas, Valenzuela City last August 25.

TAGS: babay jade, Gatchalian, valenzuela, babay jade, Gatchalian, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.