PPHA President ikinuwento ang paninigaw ni Garin

July 24, 2015 - 03:26 PM

inq file
Inquirer file photo

Kinumpirma ni Philippine Public Health Association (PPHA) President Maria Luisa Orezca na pinagalitan siya ni Health Secretary Janette Garin dahil sa pag-iimbita kay Vice President Jejomar Binay sa kanilang taunang convention.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Orezca na nagulat siya nang tawagan siya ni Secretary Garin sa telepono at sermunan dahil sa nangyari.

Binigyang-diin naman ni Orezca na ang pag-iimbita nila sa bise presidente ay walang bahid pulitika at naging guest speaker para magsalita tungkol sa public health.

Ayon kay Orezca, habang nagtatalumpati si Health Undersecretary Nemesio Gako tinawagan siya sa telepono ni Secretary Garin.

“Nagulat ako, I thought all the while, kaya siya tumatawag na sasabihin niya sa akin na I’m supporting you… Nagulat po ako bigla niya akong sinabihan, bakit mo in-invite si VP Binay diyan sa convention na yan at bakit sa Iloilo mo pa ginawa yan. Alam mo ba pinapahiya mo ang Department of Health.” pagsasalaysay ni Orezca.

Sinabi pa umano ng kalihim na hindi humingi ng clearance sa kanya bago imbitahan ang bise presidente. Isinumbat pa aniya ni Garin na ang perang ginamit para mapondohan ang convention ay mula sa Department of Health (DOH). “At alam mo ba na ang ginastos sa convention na ‘yan ay pera ng Department of Health at sinabi pa po sa telebisyon ni Secretary Garin, narinig ko siya. Being the DOH Secretary ay may karapatan daw siya na sitahin ako. Hindi naman po talaga nya kami under at wala siyang authority para pakialaman ang aktibidades namin.” Dagdag pa ni Orezca.

Pero ayon kay Orezca, sinagot naman daw niya si Garin at ipinaliwanag dito na ang pag-imbita nila kay Binay ay dahil isa naman itong “duly elected officials”. Tinalakay din sa convention ang “empowering health workers on good governance” na isa sa mga naging sentro ng imbitasyon nila sa bise presidente.

Ang 83rd annual national convention on Philippine Public Health Association ay ginanap sa Sarabia Mano Hotel sa Iloilo na kilalang balwarte ng administration ally na si Senate President Franklin Drilon. / Jimmy Tamayo

TAGS: Maria Luisa Orezca, Philippine Public Health Association, Maria Luisa Orezca, Philippine Public Health Association

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.