Mga bumili ng piyesa ng baril online kakasuhan ng PNP
Hinimok ngayon ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang mga nakabili ng baril o piyesa ng baril mula sa website na pinoy pistol forum na isuko sa pulisya ang kanilang mga nabiling armas.
Ayon kay dela Rosa, galing umano ang mga piyesa sa isang sindikato na nagbebenta ng smuggled gun parts mula sa abroad kung kaya dapat itong isuko sa pamahalaan.
Naaresto na umano sa Bacolod City ang mga miyembro ng sindikato na ang modus ay umorder ng piyesa sa US at saka ipadadala sa Pilipinas sa pamamagitan ng balik bayan boxes.
Paliwanag ni Bato, kung tunay umano na biktima ang mga nabentahan ng piyesa at baril ay dapat umano nilang isuko sa pulisya ang kanilang mga nabili.
Dagdag pa ni dela Rosa, may naghihitay na kaso at pwedeng makansela ang mga lisensya ng baril ng mga hindi susunod sa kanyang paalala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.