Military supplies sapat para durugin ang Abu Sayyaf ayon sa AFP

By Ruel Perez September 01, 2016 - 04:07 PM

howitzers-0129
Inquirer file photo

Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may sapat na firepower capabilities ang kanilang tropa na nakadeploy sa Sulu panlaban sa bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla, may kaukulang air at naval support ang kanilang operating troops na tumutugis sa bandidong grupo sa Basilan at Sulu.

Ani Padilla, sa ngayon ay may kabuuang limang libong sundalo na nakadeploy sa Sulu habang may kabuuang daalawang libo naman ang tropa sa Basilan.

Kahapon dumating ang 63rd Infantry Batallion ng Philippine Army sa Sulu bilang augmentation force para tumulong sa pinaigting na operasyon ng militar sa ASG.

Ang 63rd Infantry Battalion ay field unit ng 8th Infantry Division na nakabase sa Catbalogan, Samar.

Sa ngayon, ani Padilla walang nagaganap na mga bakbakan bagama’t nagpapatuloy umano ang  pambobomba ng militar sa posisyon ng mga bandido.

TAGS: AFP, ASG, Sulu, AFP, ASG, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.