Inisyal na pondo para sa Miss Universe event sa bansa nasa $5 Million na

By Chona Yu September 01, 2016 - 03:20 PM

Wanda Teo
Photo: Chona Yu

Umabot na sa mahigit $5 Million ang nakakalap na pondo ng Department of Tourism para sa pag-host ng Miss Universe sa January 30 sa susunod na taon.

Sa press briefing saMalacañang, sinabi ni Tourism Sec. Wanda Teo na naipon ang nasabing pondo sa pamamagitan ng pribadong sektor sa pangunguna ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Hanggang sa ngayon ay tuloy ang kanilang pangangalap ng pondo para sa nasabing beauty pageant.

Pagtitiyak ni Teo, walang gagastusin ang pamahalaan sa Miss Universe Pageant.

Sa ngayon ayon kay Teo, ang mga lugar sa Davao, Iloilo, Cebu at Vigan ang mga lugar na pagdarausan ng pre-pageant events.

Ipinaliwanag pa ni Teo na sa Mall of Asia Arena gaganapin ang main event o ang coronation night.

TAGS: dot, miss universe, MOA, teo, dot, miss universe, MOA, teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.