Ayon kay AFP Spokesman BGen. Restituto Padilla, mas mabuting lisanin na muna pansamantala ng mga residente ang kanilang mga tahanan lalot mas pinaigting pa nila ang kanilang operasyon laban sa mga bandido.
Tiniyak naman ng opisyal na maaayos na napapangalagaan ng DSWD o Department of Social Welfare & Development ang mga evacuees.
Samantala, nasa anim na batalyon na ng mga tauhan ng Phillippine Army at dalawang batalyon naman ng Marines ang nakadeploy na ngayon sa Sulu na tumutugis sa ASG. Kahapon ay dineploy na sa Sulu ang karagdagang sundalo para sa mas pinalakas na military operations.