Bilang ng pamilya na nagsilikas dahil sa bakbakan ng militar at ASG pumalo na sa 400

By Ruel Perez September 01, 2016 - 01:50 PM

abu-sayyaf-2Umaabot na sa 400 na pamilya ang lumikas sa kani-kanilang mga tahanan sa takot na madamay sa nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng mga militar at bandidong grupong Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Ayon kay AFP Spokesman BGen. Restituto Padilla, mas mabuting lisanin na muna pansamantala ng mga residente ang kanilang mga tahanan lalot mas pinaigting pa nila ang kanilang operasyon laban sa mga bandido.

Tiniyak naman ng opisyal na maaayos na napapangalagaan ng DSWD o Department of Social Welfare & Development ang mga evacuees.

Samantala, nasa anim na batalyon na ng mga tauhan ng Phillippine Army  at dalawang batalyon naman ng Marines ang nakadeploy na ngayon sa Sulu na tumutugis sa ASG. Kahapon ay dineploy na sa Sulu ang karagdagang sundalo para sa mas pinalakas na military operations.

TAGS: abu sayyaf group, AFP, Patikul, Phillippine Army, Restituto Padilla, Sulu, abu sayyaf group, AFP, Patikul, Phillippine Army, Restituto Padilla, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.