Sen. De Lima, iginiit na naka-wiretapped ang kanyang mga cellphones

By Rod Lagusad September 01, 2016 - 11:54 AM

Inquirer File Photo

Iginit ni Senator Leila De Lima na ang kanyang mga cellphone ay naka-wiretapped kasabay ng mga alegasyon sa kanya sa pagkakadawit sa ilegal na droga.

Sa isinasagawang Senate hearing sa panukalang pagpayag sa pag-wiretapped sa mga komunikasyon ng mga hinihinalang drug pushers ay sinabi ni De Lima na matagal ng naka-wiretapped ang kanyang mga cellphone.

Dagdag pa ni De Lima na anong katanggap-tanggap na dahilan kung bakit naka-wiretapped ang kanyang mga cellphones.

Bilang tugon, pabirong sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa na pinasu-supetiyahan din niya na ang kanyang cellphone ay naka-wiretapped.

Matatandaang idinadawit ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Lima sa operasyon ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Kaugnay nito, itinanggi ni De Lima ang mga nasabing akusasyon at binigyang diin na ang mga ito ay isang harassment.

TAGS: new bilibid prison, Ronald dela Rosa, Senator Leila De Lima, new bilibid prison, Ronald dela Rosa, Senator Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.