Mga artistang sangkot sa ilegal na droga, pinasusuko na ni PNP Chief Dela Rosa

By Ruel Perez September 01, 2016 - 09:19 AM

bato-dela-rosa1-620x413Hindi kumbinsido si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa apela ng aktor na si Robin Padilla kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag muna pangalanan ang mga artistang gumagamit ng ilegal na droga.

Ayon kay Bato, kung susundin si Padilla, magmumukhang hindi umano patas sa lahat ang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

Paliwanag pa ni dela Rosa, magmumukhang may pinipili ang PNP kung itatago ang pagkakakilanlan ng mga artistang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Giit pa niya mayroong ahensya ng gobyerno na may hawak na ngayon ng listahan ng mga artistang gumagamit at sangkot sa iligal na droga. Kaya payo ni Bato sa mga artistang gumagamit ng iligal na droga, magkusa nang sumuko sa mga pulis.

Samantala, kinumpirma naman ni Bato na mayroon na umanong mga artistang tumatawag sa kanya ngayon at nais mag pa drug test sa harap niya mismo para patunayan na wala silang kinalaman sa iligal na droga.

TAGS: Illegal Drugs, PNP, PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, Illegal Drugs, PNP, PNP Chief Ronald Bato dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.