Lalaki, patay sa pamamaril sa QC

crime-scene-tapeBumulagta at agad binawian ng buhay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa basketball court sa QC ngayong madaling araw.

Kinilala sa alyas Ariel ang biktima na madalas sa court ng Pasong Putik para maglinis.

Ayon sa saksing si Jery nakahiga ang biktima ng lapitan ng apat na lalaki sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ito hanggang sa mamatay.

Kaugnay nito, hindi na namukahaan ang mga gunman na nakasuot ng sombrero.

Sa inisyal na imbestigasyon ng SOCO, may nakitang sachet ng hinihinalang shabu sa tagiliran ng biktima at nagkalat ang basyo ng 9mm at caliber 45.

Kilala si Ariel sa barangay bilang gumagamit ng ilegal na droga.

 

Read more...